Wednesday, August 14, 2019

THE 4 SPANISH COLONIAL BRIDGES - INFORMATION BOARD





This was the first 4 Information Board Layout to be installed near the Spanish Colonial Arched bridges of Tayabas City.

Tuesday, August 13, 2019

121 Taong Anibersaryo ng Araw ng Tayabas







Maligayang paggunita at pagdiriwang ng Ika-121 taon ng Araw ng Tayabas noong Agosto 13, 1898 kung saan unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at ibinaba ang bandila ng kastilang mananakop. Tunay ngang malaya na ang bansa sa pananakop sa pamumuno ni Gen. Miguel Malvar at mga kasamahang katipunero.

Ang pagdiriwang ay inorganisa ng Tanggapan ng Panglungsod na Turismo at GSO- Events and Festival katuwang ang Tuklas Tayabas Historical Organization.

Noong Agosto 13, 1898, tinipon ni Miguel Malvar ang kanyang hukbo at nagmartsa mula sa kanilang kampo sa barrio Mateuna patungo sa patyo ng simbahan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Tayabas, ibinaba ang watawat ng Espanya at itinaas ang watawat ng Pilipinas. Ang kapangyarihan ng Espanya ay bumagsak, Tayabas, Malaya kana!

📷 Jeffrey Santos

Thursday, August 1, 2019