Tuesday, December 29, 2020

Monday, December 28, 2020

 

Disyembre 26, 2020

Naimbitahan ng grupo si Mr. Gilbert Macarandang upang magtalakay tungkol sa isang organisasyon, gaano nga ba kahalaga ang isang organisasyon? Paano nga ba ito nabubuo? Sa simpleng pag talakay nito maraming aral ang aming naiuwi. Mga aral na mabibitbit namin sa kasalukuyan.
Isa si Mr. Jericho Pagana miyembro ng grupo ang nag talakay ng mga bagay-bagay tungkol sa mga batas. Tumatak sa amin ang tanong na "SAPAT BA?" "WORTH IT BA? ANG SAKRIPISYO?" Mga batas na kailangan sundin dahil isa lamang tayo sa nasasakupan ng nakakataas. Sa pagkilala ng isa't isa, isang reyalisasyon ang sa ami'y tumambad na hindi lahat ng bagay sa mundo'y natatapatan ng salapi. Malaki man yan o maliit, dahil hindi nito mapapalitan ang bagay na naging parte na ng buhay mo.
Nag karoon din kami ng pag kakataon para makilala ang isa’t- isa hindi lamang sa panlabas naming kaanyuan pati na rin ang aming saloobin. Sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap ay nabigyan namin ng kaunting panahon ang araw na ito hindi lamang para mag saya kundi para mag bigay ng aral at makapag pasaya ng iba. Nagkaroon ng kaunting handog sa bawat isa, maraming surpresa ang sa aming mata'y bumungad. Mga hindi inaasahang pagkilala at parangal ang natanggap ng bawat isa, mga regalong galing sa puso ng bawat isa.
📝 Angela Escosia