Wednesday, October 26, 2022

 𝐇𝐢𝐥𝐚𝐫𝐢𝐨𝐧 𝐑𝐮𝐛𝐢𝐧𝐚 𝐘𝐚𝐧𝐳𝐚

(Oktubre 21, 1902 - Oktubre 27, 1975)

 

Ngayong araw ang ika-47 taong anibersaryo ng kamatayan ni Hilarion Yanza, isang abogado at nagsilbing alkalde mayor ng Tayabas noong Enero 1,1941 hanggang Disyembre 29, 1941 at muling nanilbihan noong Setyembre 2,1945 hanggang Marso 17,1946.

 

Taong 1946-1947 naman ay nagsilbi siya bilang Gobernador ng Lalawigan ng Tayabas (ngayon ay Quezon). Bukod dito, ay isa rin siya sa mga personalidad na nagsulong sa pagpapalit ng pangalan ng lalawigan. Mula sa dati nitong pangalan (Lalawigan ng Tayabas) ay tatawagin ito bilang Lalawigan ng Quezon.