Wednesday, September 5, 2018

BRIDGE AND RIVER CLEAN UP DRIVE OPERATION















Kasabay ng selebrasyon ng International Coastal Clean-Up at Festejo de Los Angeles isang paglilinis sa mga ilog at mga tulay ng siyudad ang isinagawa sa pangunguna ng Tayabas City LGU, Oplan Sagip Tulay at GSO / ESWM Unit – Eco-Park nitong Setyembre 23, 2017.

            Umabot sa mahigit tatlongdaang (300) katao ang naki-isa sa clean-up drive na ito. Dinaluhan din ito nina Konsehal Albert I. Dimaranan at Konsehala Precy O. Glorioso na nag-iwan din ng isang mensahe para sa mga taong dumalo sa pagtitipong ito.

            Maging si Ginoong Romeo Cariaga, OIC – Eco-Park ay nagbigay ng pananalita para sa okasyong ito.

            Nilinis ang dalawang “puentecito” o maliliit na mga tulay na matatagpuan sa Barangay Baguio. Nagsagawa din ng paglilinis sa Puente del Isabel II at sa Ilog Iyam na matatagpuan sa Barangay Malao-a. Kasunod nito ay naglinis din sa Puente de Don Francisco de Asis na matatagpuan naman sa Barangay Calumpang.

            Nitong Setyembre 30 at Oktubre 7 ay muling bumalik ang Oplan Sagip Tulay, GSO / ESWM Unit – Eco-Park, Tayabas City DRRMO at Tayabas Rescue Response Team sa Puente de Asis upang ipagpatuloy ang paglilinis sa nasabing tulay. May mga nag-rappelling din upang mas lalo pang pag-ibayuhin ang isinagawang paglilinis at inaasahang babalik pang muli ang mga grupong ito hanggang tuluyang malinis ang Puente de Asis.

No comments:

Post a Comment