Friday, October 9, 2020

OINAGMUKAN NG PUTAHING DOÑA AURORA NG TAYABAS

PINAGMULAN NG PUTAHING DOÑA AURORA 

ayon sa kwento ni G. Necias Pataunia

isang sosyolohista at historyador

Ayon kay Ginoong Necias Pataunia, isang kilalang local historian at sociologist ng ating lungsod, nagsimula ito noong taong 1948 ng magkaroon ng miraculous glowing of the cross sa simbahan ng Basilica Minor De San Michael Archangel,  matapos ang digmaan; totoo man daw o hindi, naniniwala ang mga Tayabasin na nangyari ito, bagsak na bagsak ang bayan ng Tayabas noon dahil halos lahat ay naapektuhan at ang mga lumang bahay ay nagiba at naguho. Noong mga panahong iyon ay dahil sa hirap at panlulumo sa nangyare, naghahanap ng milagro at umaasang mababago ang buhay at makakabangong muli sa pagkarugmok na dulot ng digmaan. Kung saan dahil sa pangyayaring nagkaroon ng tila isang milagro na nagkaroon ng miraculous glowing sa krus ng simbahan, marami din sa mga karatig bayan o probinsya ay nagtungo dito upang saksihan kung magaganap muli ang di inaasahang pangyayari dahil kagaya ng ating mga kababayan noong mga panahong iyon ay umaasa din ng milagro, at isa na nga dito si Donya Aurora Quezon (asawa ni dating Pangulong Manuel L. Quezon) at tinungo niya ang lugar ng mga Lagar (sa may bahagi ng dakilang sulok) kung saan malapit sa naturang krus na nagmilagro upang personal na masaksihan. Habang siya ay namalagi sa naturang lugar, dahil ang Tayabasin ay maganda ang pagtanggap sa mga panauhin at hindi lang basta panauhin dahil si Doña Aurora yan, kaya ilan sa mga kusinerong Tayabasin ay nagpamalas ng kani-kanilang galing at especialty kung saan isa ngang Tayabasin ang nagserve ng bagong putahe kung saan gawa mula sa itlog na initlugan at initlugan muli ayon kay G. Pataunia, na noon lang sa okasyong yun nakita at inihain sa pinaka espesyal na salu-salo kasama si Doña Aurora, dahil dito bilang pagkilala, ito ay ipinangalan at hinango mula sa pangalan ni Doña Aurora, isang putahe na dati’y matitikman mo lamang sa mga magarbong handaan. Ngayon ay makikita mona ito sa ibat ibang karinderya at restaurant sa lalawigan ngunit pinaniniwalaang nagmula ito sa ating bayan, isang pamanang hanggang sa ngayon ay maipagmamalaki mo. Sino ng aba naman ang aayaw sa lutuing ito, lalo na kung malalaman mong ditto pala sa Tayabas ito nagmula, totoo man o hindi, may mga kwentong tulad nito na magpapasalin salin sa bawat henerasyon.

- Pabulayan, 2019

No comments:

Post a Comment