Monday, August 29, 2022

OFFICIAL STATEMENT OF OPLAN SAGIP TULAY (OST) TAYABAS HERITAGE GROUP

OFFICIAL STATEMENT OF OPLAN SAGIP TULAY (OST) TAYABAS HERITAGE GROUP

It has come to our attention the derogatory remarks directed to our group, anonymously posted in Tayabas Shout Out Page this August 29, 2022 (Monday) 9:01 PM, besmirching our group’s reputation to the general public.
 
To clarify, our group is a non-governmental, non-profit organization, thus, the group does not have the authority to give a directive to the traffic enforcers regarding the traffic operations. Accordingly, continuous efforts are being put in place for the proposal of funding and rerouting of traffic on Puente de Isabel II to the agency such as DPWH, since we don’t have the capability and authority to implement such action.
 
In addition, the group also condemn the statement “puro kayo kabaklaan” in the said post, implying a negative connotation by being a member of the LGBTQ community.

In line with this, we want to call the attention of the administrator of Tayabas Shout Out Page, to take down the post, otherwise, the group will be forced to file an official complaint against them.

If you have complaints and suggestions, kindly message our page OST Tayabas or email address: osttayabasheritage@gmail.com. 




Thursday, August 25, 2022

6th GENERAL ASSEMBLY, HERITAGE ADVOCACY CAPABILITY BUILDING 2022


Ang bahagi ng programa ay nagsimula  sa ganap na ika- 9 ng umaga nna pinangunahan ng tagapagpadaloy ng program na si G. Joshua A. Magracia.  Sinimulan ito sa pambansang awit at panalangin na pinangunahan ni G. Denmark Nanea.  Upang pormal na buksan ang programa tinawagan si Bb. Keissy Palma Rayel para sa pambungad na pananalita. Upang naman pakilala ang panauhing tagapagsalita tinawagan nag tagapagpadaloy ng program na si G. Magracia. Matapos na magpakilala ni G. Velmor Padua nagsimula naman nito talakayun ang patungkol sa mga gawang orihinal na obra ni Orlando R. Nadres. Pagkatapos magtalakay si G. Padua, Tinawagan ang mga officer para igawad ang sertipiko ng pagkilala kay G. Velmor Padua at sinundan ito ng photo opportunity. Pagkatapos ay sinimulan ni G. Jericho Pagana ang pagbabalik tanaw ng Ost sa mga pinagdaanan nito mula sa simula hanggang sa kasalukuyan.

 

Sa ganap na ika-1 ng tanghali sinimulan ang ikalawang bahagi ng program ana pinamulan ni G. Jericho Pagana ang Constitution by laws ng Samahan o ang Saligang batas at mga Alintuntuning-Panloob kung prinesenta,inamendohan at pinagbotohan ng mga miyembro ang saligang batas at alintuntunin pangloob ng Samahan. Dahil may iba pang aktibidad na pinagliban muna ang pagaamendo at gagawa na lang ng google form upang mapabilis ang botohan sa nasabing saligang batas ng Samahan.

Sinundan ng panunumpa ng mga bagong miyembro ng OST-THG inc at pagpirma sa pldge of commitment to organization at sinundan ito ng photo opportunity. Pagkatapos nito ay tinawagan  si Bb. Keisy Rayel sa paggagawad ng sertipiko sa mga natatanging miyembro ng OST-THG sa kanilang aktibong pakikilahok sa mga aktibidad ng OST.

 

Ang ikatlong bahagi ng programa ay ginanap kinabukasan, Agsoto 21 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga. Matapos mag attendance ng mga kasaping dumalo sa pangalawang araw ay agad silang hinati sa tatlong pangkat. Matapos magsama-sama ang magkakagrupo ay nagbigay ng sapat na oras ang facilitator upang makapag-isip ng pangalan at yell ang bawat pangkat. Ang unang pangkat na Team Budin ay pinangunahan ni Ronieces Javal samantalang ang pangalawa ay Team Asosasyon na si Joshua Magracia ang nanguna, at sa ikatlong pangkat naman na Team Poknat ay pinangunahan ni Ernest Aranilla. Matapos ang oras na ibinigay ay nagsumpyang ang mga namumuno sa bawat pangkat upang malaman kung aling pangkat ang mauuna sa pagpapakitang gilas sa yell. Masayang nagyell ang bawat pangkat simula unang grupo hanggang sa huli, matapos ito ay agad rin namang ipinaliwag ng facilitator ang gagawin sa bawat istasyon ng palaro. Ang laro ay tinawag na Amazing Race kubg saan ito ay binubuo ng anim na istasyon. Ang unang istasyon ay tinawag na Human Centipede kung saan si Kuya Freddie Orillo ang humawak. Sa larong ito ay magkakatali ang bawat paa ng mga miyembro ng pangkat at magpapaunahang makarating sa finish line. Shape on Me naman ang tawag sa ikalawang istasyon na hinawakan ni ate Ysah Lacuesta-Pabulayan. 


Dito ay kailangang may taklob na facemask ang mata ng bawat miyembro at may isang wala na siyang magmamando sa kagrupo hanggang mabuo ang hugis na sasabihin ng facilitator. Kanya kanyang buhat naman ng kagrupo sa ikatlong istasyon dahil sa hirap tawirin ang papel na plato mula starting line hanggang sa finish, ang tawag dito ay Crossing the River na hinawakan ni Luis Zarsaga. Ang panglimang istasyon ay hinawakan ni Alexandei Cook at tinawag na Human Tunnel kung saan ay kailangang kumuha ng tubig ang isang miyembro sa munting talon at ipasa ang basong may tubig sa kahulihang miyembro ng pangkat na syang gagapang palusot sa ilalim ng mga miyembro at ibubuhos sa bote hanggang mapunan ang guhit na itinala ng facilitator. Ang pang-anim at panghuling istasyon naman ay ang UFO kung saan ay apat lamang sa bawat pangkat ang gagawa. Kailangang mapanatiling balanse ang pinggang na may bote sa pamamangitan ng tali na nakakabit sa pinggan at batok ng miyembrong gagawa ng laro. Kinakailangan ng matinding pokus ang larong ito sapagkat kaunting galaw lang ay agad na mahuhulog ang bote dahil sa maling balanse, ang larong ito ay hinawakan ni kuya Clod na syang gumawa ng mga laro sa istasyon. 

Nagwagi sa isinagawang Team Building ang unang pangkat na Team Budin, pangalawa sa nanalo ang pangkat ng Asosasyon, at panghuli ay ang pangkat na Poknat. Matapos ang laro ay pumunta muli sa hall na malapit sa pool ang lahat upang makapagpahinga saglit. Nagpaliwanag at nagbigay ng magandang mensahe ang facilitator na si kuya Clod. Matapos nito ay binigyan sya ng sertipiko dahil sa kanyang ambag at paglalaan ng oras upang mamuno sa Team Building ng OST-THG Inc. Matapos ito ay naggawad na rin ng mga parangal para sa bawat pangkat na nakilahok at nanalo sa palaro

































 

Wednesday, August 24, 2022

Pagdiriwang ng ika-144 taong kapanganakan ni Dating Pangulong Manuel Luis Quezon

Location : Monumento ni Manuel L Quezon , Municipal Building, J.P. Rizal Street, Tayabas City, Quezon.

Date : August 19, 2022

 

Pasado ika-8 na nang magsimula ang maikling programa para sa pag aalay ng parangal sa monumento ni Manuel Luis Quezon na matatagpuan sa Annex Building sa tagiliran ng Munisipyo. Sa pangunguna ni G. Patrick Paceos ay tinawag ang lahat ng dumalo upang pumunta sa unahan ng monumento para pormal na buksan ang pag aalay ng bulaklak. Kasama sa mga tinawag ang PNP, BFP, Knights of Columbus, OST Tayabas Heritage Group Inc., at buong tauhan ng CHPO. Matapos ang pagtatawag ng mga dumalo ay agad na dumiretso sa pagdadala ng mga bulaklak papuntang paanan ng monumento upang ialay sa dating pangulong Manuel L. Quezon. Naunang mag alay ang mga tauhan ng CHPO sa pangunguna ni G. Koko Pataunia, sinundan naman ito ng PNP, BFP, Knight of Columbus, at ang huling nag alay ay ang samahan ng OST-THG Inc. Matapos mag alay ng mga bulaklak ay nagkaroon ng photo opportunity ang mga dumalo. Nagtapos ang programa sa pasasalamat at pamimigay ng makakain para sa mga dumalo ang tauhan ng CHPO katulong ang mga miyembro ng OST Tayabas.




Araw ng Tayabas 2022 (Trese de Agosto 2022)

 Event:  Araw ng Tayabas 2022 (Trese de Agosto 2022)

Location : Basilika Minor ni San Miguel de Arkanghel at Casa Comunidad de Tayabas

Date : August 13, 2022

PAGDIRIWANG NG ARAW NG TAYABAS 2022

Ang araw ng Tayabas ay ginugunita tuwing ika-13 ng Agosto upang alalahanin ang kalayaan ng Tayabas sa laban sa kamay ng mga Espanyol. Ang programang ito ay pinangunahan ng CHPO sa pamumuno ni G. Koko Pataunia at katulong nila sa pagsasaayos ng daloy ang mga miyembro ng OST Tayabas Heritage Group Inc. at iba nilang OJT na estudyante ng SLSU.

 


Ang unang bahagi ng programa ay sinimulan sa Banal na Misa sa Basilka ni San Miguel Arkanghel sa pangunguna ni Msgr. Dennis Imperial. Dumalo sa misa ang mahal na ina ng siyudad ng Tayabas na si Mayora Ernida Agpi Reynoso at sina Vice Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang kanyang asawa na si SK Chairman Art Tristan Pontioso, maging ang Bise Gobernador ng Quezon na si Anacleto "Third" Alcala ay naroon din. Kasama rin ang mga konsehal ng bayan, PNP, BFP, Knights of Columbus, Seniors, School Heads, at iba pang mga tao na dumalo sa misa.

Nagtipon tipon naman ang mga tao sa harap ng simbahan na bahagi ng ikalawang programa.  Nang maglabasan na ang tao sa simbahan ay pinangunahan ng tagapagpadaloy ng programa na si G. Patrick Paceos ang pagsasalita. Masigla nyang binati ng isang magandang umaga ang mga dumalo sa programa na sinundan ng pagmamartsa sa patio. Nanguna sa pagmartsa ang banda musiko ng Southern Luzon State University na sinundan ng SLSU Reservist dala ang mga rebulusyunaryong bandila at watawat ng Pilipinas. Sa pag mamartsa ay sabay sabay na binanggit ng mga tao ang "Viva Independencia! Viva San Miguel! Viva Miguel Malvar!" Nang makarating sa pwesto ang mga nagmartsa ay sinimulan ng awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang kasabay ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan ni Mayora Ernida Reynoso at mga pulis. Sinundan ito ng pag awit ng Lalawigan ng Quezon at Himno ng Tayabas.

Nagpabatid ng pagbati at maikling pagbabalik tanaw sa nakaraan ang tagapagpadaloy. Para sa pambungad na mensahe ay tinawag nya si G. Koko Pataunia upang magpahayag. Sumunod na tinawag si VM Lovely Reynoso-Pontioso na pangalawang nagbigay ng mensahe. Malugod at marangal nyang tinawag ang Punong Lungsod na si Mayora Ernida Agpi Reynoso para magbigay ng kanyang mensahe. Tinugtog naman ng Kaelika ang "Ang Kasaysayan" na isinulat ni kataas-taasang suprema Salud F. Nuevo. Matapos ito ay nagpasalamat si Patrick Paceos sa pag awit ni Bb. Rizel Soriano at pagtugtog ni G. R. Javen. Hindi man makakarating sa selebrasyon ang Gobernadora ng Quezon na si Gov. Helen Tan ay nakadalo naman ang Bise Gobernador na si Third Alcala na nagpabatid rin ng kanyang makabuluhang mensahe sa harap ng mga dumalo at nakiisa sa programa. Tinapos ang ikalawang bahagi ng programa sa pag awit ng Trese de Agosto at Pilipinas Kong Mahal na itinanghal ng Magnificat Chorale.

                     

Ang ikatlong bahagi naman ng programa ay nagsimula sa pagmamartsa ng mga dumalo mula simbahan hanggang sa ikalawang palapag ng Casa Comunidad de Tayabas. Bumungad sa pag-akyat ng mga dumalo ang sining ng mga kabataang Tayabasin buhat sa Aninag at ang magandang tugtog ng mahuhusay na banda mula sa Division of Tayabas City Rondalla sa patnubay ni G. Ryan Chester Manzanares. Matapos makarating sa taas ang lahat ay pinahay na rin ang mga panauhin upang makakuha ng masarap na pagkaing Tayabasin gaya ng pansit, budin, nilupak, ice cream at iba pa. Habang nagmemeryenda ang lahat ay sinabayan ito ng awitin mula sa kwerdas ng Tayabas na nagbigay sigla at aliw sa lahat. Nagkaroon din photo opportunity para sa lahat ng dumalo kasama ang mga magigiting na pinuno ng bayan.

Matapos ang programa ay taos pusong nagpasalamat ang buong opisina ng Cultural Heritage Preservation Office sa lahat ng taong naging parte ng ika-124 na taon ng pagdiriwang ng kalayaan ng Tayabas.

 

Thursday, August 18, 2022

Paggunita sa Ika- 144 taong kapanganakan ni Manuel Quezon

 Pakikiisa ng Oplan Sagip Tulay Tayabas Heritage Group Inc. sa paggunita ng ika- 144 na araw ng kapanganakan ng ating dating pangulo at Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon.


Alinsunod sa Probisyon blg. 6741 o ang batas na nagtatakdang gunitain ang araw ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L. Quezon tuwing ika-19 ng Agosto.


Ipinanganak siya sa bayan ng Baler, Tayabas ( na ngayon ay Baler, Aurora). Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina na kapwa guro.


Sa liderato, Si Quezon ay naging gobernador ng Lalawigan ng Tayabas(ngayon ay Quezon) taong 1906-1907, naging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas at naging unang pangulo naman ng Pamahalaang Komonwelt. Ilan lamang ang mga ito sa mga lideratong ginampanan ni Quezon. 


Bunga nito ay malaki ang kanyang naiambag pagdating sa kultura, kasaysayan, at wikang maituturing nating kayamanan. 


Namatay si Quezon sa edad na 66 noong Agosto 1, 1944 sa New York, Estados Unidos Amerika dahil sa sakit na tuberkulosis. Sa Arlington National Cemetery unang inilibing ang kanyang labi, inilapat noong Hulyo 19, 1946 sa Manila North Cemetery, at inilipat muli noong Agosto 19, 1979 sa Quezon Memorial Circle kung saan ay tuluyan ng inilagak ang kanyang labi.


Kinikilala si Manuel Quezon bilang isa sa mga naging dakilang pangulo ng Pilipinas dahil sya ay nanilbihan sa ating bansa ng may dangal at pagpupunyagi. Nagkaroon tayo ng wikang pambansa dahil sa umaapaw nyang pagmamahal sa ating bansa. Hindi sya nagpatinag sa mga pinagdaanan nya noong panahong pananakop ng mga Amerikano upang makamit lamang ang inaasam nating kalayaan.





𝐃𝐨𝐧 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐘 𝐕𝐚𝐥𝐝𝐞𝐚𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 ( Agosto 19, 1842 - Disyembre 3, 1896)

 

𝐃𝐨𝐧 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐘 𝐕𝐚𝐥𝐝𝐞𝐚𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚
( Agosto 19, 1842 - Disyembre 3, 1896)

Paggunita sa ika-180 taong kapanganakan ni Don Luis Palad Y Valdeavilla, isang guro na may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon ng bawat Tayabasin.

Anak siya nina Don Pedro Palad at Angela Saturnina Valdeavilla, isinilang noong Agosto 19, 1842 sa bayan ng Tayabas.

Nagtapos ng pag-aaral bilang guro sa Paaralang Normal sa Maynila. Napangasawa niya si Doña Dolores Lopez ngunit sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ay hindi pinalad na magkaroon ng anak.

Sa pagkakaloob niya ng 20 ektaryang niyugan sa Colong Colong ( na ngayon ay Talao-talao sa Lungsod ng Lucena), ay nagtatag siya ng isang TRUST upang mula sa kinikita nito  ay maitatag at masuportahan ang isang mataas na paaralan sa bayan ng Tayabas.

Ipinagkaloob din niya ang kaniyang malawak na lupain sa Barrio Ipilan upang pagtayuan ng mataas na paaralan na ngayon ay Luis Palad Integrated High School.

Tunay nga na kay PALAD ng mga Kabataang Tayabasin dahil hindi lamang regalong panandalian ang ipinigkaloob ni Don Luis Palad bagkus, regalong pangmatagalan sa larangan ng  Edukasyon na magbubunsod upang mas lalo pang mapayabong  ang karunungan ng bawat Tayabasin.