Thursday, August 25, 2022

6th GENERAL ASSEMBLY, HERITAGE ADVOCACY CAPABILITY BUILDING 2022


Ang bahagi ng programa ay nagsimula  sa ganap na ika- 9 ng umaga nna pinangunahan ng tagapagpadaloy ng program na si G. Joshua A. Magracia.  Sinimulan ito sa pambansang awit at panalangin na pinangunahan ni G. Denmark Nanea.  Upang pormal na buksan ang programa tinawagan si Bb. Keissy Palma Rayel para sa pambungad na pananalita. Upang naman pakilala ang panauhing tagapagsalita tinawagan nag tagapagpadaloy ng program na si G. Magracia. Matapos na magpakilala ni G. Velmor Padua nagsimula naman nito talakayun ang patungkol sa mga gawang orihinal na obra ni Orlando R. Nadres. Pagkatapos magtalakay si G. Padua, Tinawagan ang mga officer para igawad ang sertipiko ng pagkilala kay G. Velmor Padua at sinundan ito ng photo opportunity. Pagkatapos ay sinimulan ni G. Jericho Pagana ang pagbabalik tanaw ng Ost sa mga pinagdaanan nito mula sa simula hanggang sa kasalukuyan.

 

Sa ganap na ika-1 ng tanghali sinimulan ang ikalawang bahagi ng program ana pinamulan ni G. Jericho Pagana ang Constitution by laws ng Samahan o ang Saligang batas at mga Alintuntuning-Panloob kung prinesenta,inamendohan at pinagbotohan ng mga miyembro ang saligang batas at alintuntunin pangloob ng Samahan. Dahil may iba pang aktibidad na pinagliban muna ang pagaamendo at gagawa na lang ng google form upang mapabilis ang botohan sa nasabing saligang batas ng Samahan.

Sinundan ng panunumpa ng mga bagong miyembro ng OST-THG inc at pagpirma sa pldge of commitment to organization at sinundan ito ng photo opportunity. Pagkatapos nito ay tinawagan  si Bb. Keisy Rayel sa paggagawad ng sertipiko sa mga natatanging miyembro ng OST-THG sa kanilang aktibong pakikilahok sa mga aktibidad ng OST.

 

Ang ikatlong bahagi ng programa ay ginanap kinabukasan, Agsoto 21 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga. Matapos mag attendance ng mga kasaping dumalo sa pangalawang araw ay agad silang hinati sa tatlong pangkat. Matapos magsama-sama ang magkakagrupo ay nagbigay ng sapat na oras ang facilitator upang makapag-isip ng pangalan at yell ang bawat pangkat. Ang unang pangkat na Team Budin ay pinangunahan ni Ronieces Javal samantalang ang pangalawa ay Team Asosasyon na si Joshua Magracia ang nanguna, at sa ikatlong pangkat naman na Team Poknat ay pinangunahan ni Ernest Aranilla. Matapos ang oras na ibinigay ay nagsumpyang ang mga namumuno sa bawat pangkat upang malaman kung aling pangkat ang mauuna sa pagpapakitang gilas sa yell. Masayang nagyell ang bawat pangkat simula unang grupo hanggang sa huli, matapos ito ay agad rin namang ipinaliwag ng facilitator ang gagawin sa bawat istasyon ng palaro. Ang laro ay tinawag na Amazing Race kubg saan ito ay binubuo ng anim na istasyon. Ang unang istasyon ay tinawag na Human Centipede kung saan si Kuya Freddie Orillo ang humawak. Sa larong ito ay magkakatali ang bawat paa ng mga miyembro ng pangkat at magpapaunahang makarating sa finish line. Shape on Me naman ang tawag sa ikalawang istasyon na hinawakan ni ate Ysah Lacuesta-Pabulayan. 


Dito ay kailangang may taklob na facemask ang mata ng bawat miyembro at may isang wala na siyang magmamando sa kagrupo hanggang mabuo ang hugis na sasabihin ng facilitator. Kanya kanyang buhat naman ng kagrupo sa ikatlong istasyon dahil sa hirap tawirin ang papel na plato mula starting line hanggang sa finish, ang tawag dito ay Crossing the River na hinawakan ni Luis Zarsaga. Ang panglimang istasyon ay hinawakan ni Alexandei Cook at tinawag na Human Tunnel kung saan ay kailangang kumuha ng tubig ang isang miyembro sa munting talon at ipasa ang basong may tubig sa kahulihang miyembro ng pangkat na syang gagapang palusot sa ilalim ng mga miyembro at ibubuhos sa bote hanggang mapunan ang guhit na itinala ng facilitator. Ang pang-anim at panghuling istasyon naman ay ang UFO kung saan ay apat lamang sa bawat pangkat ang gagawa. Kailangang mapanatiling balanse ang pinggang na may bote sa pamamangitan ng tali na nakakabit sa pinggan at batok ng miyembrong gagawa ng laro. Kinakailangan ng matinding pokus ang larong ito sapagkat kaunting galaw lang ay agad na mahuhulog ang bote dahil sa maling balanse, ang larong ito ay hinawakan ni kuya Clod na syang gumawa ng mga laro sa istasyon. 

Nagwagi sa isinagawang Team Building ang unang pangkat na Team Budin, pangalawa sa nanalo ang pangkat ng Asosasyon, at panghuli ay ang pangkat na Poknat. Matapos ang laro ay pumunta muli sa hall na malapit sa pool ang lahat upang makapagpahinga saglit. Nagpaliwanag at nagbigay ng magandang mensahe ang facilitator na si kuya Clod. Matapos nito ay binigyan sya ng sertipiko dahil sa kanyang ambag at paglalaan ng oras upang mamuno sa Team Building ng OST-THG Inc. Matapos ito ay naggawad na rin ng mga parangal para sa bawat pangkat na nakilahok at nanalo sa palaro

































 

No comments:

Post a Comment